Monday, July 29, 2013

Tagalog Poem "Ang Maestra"

ANG MAESTRA
                                                               RVQ


Nung ako’y munti pa hindi nag aaral
Laging maligaya sa piling ni nanay
Kay rami ng aking magandang laruan
Sa tuwat aliw ko sa aming tahanan

Araw araw ako’y pinag pagbibihis
Matapos maligo, magsuot ng magandang damit
Kung ako’y makitang lagi nang malinis
Sa mukha ni nanay, tuwa’y naguguhit

Isang araw nuon, pagka umaga na
Sa paaralang bayan ako ay dinala
Kay rami ng bata kami sama-sama
Sa yungyong ng isang magandang maestra

Sa pag aaral ko isip ay namulat
Sa tulong ng guro na ubod ng sipag
Marunong na akong bumasa’t sumulat
May magandang asal, may loob na tapat.

Ganyan din sa amin itong paaralan
Ang itinuturo’y pawang kabutihan
Maniwala kayo ito’y s’yang tunay

       Ang maestra pala’y pangalawang nanay.

No comments:

Post a Comment